Itinaas na sa lalawigan ng Romblon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 ngayong 11am dahil sa posibleng maging epekto ng Bagyong Usman sa probinsya.
Ayon sa PAGASA, makakaranas ito ng 30-60 kph lakas ng hangin at intermittent rains simula ngayon hanggang sa darating na 36 oras.
Namataan kaninang alas-4 ng umag ang mata ni Bagyong Usman sa layong 440 km East Southeast ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas na 55kph at bugsong 65kph.
Patuloy itong gumagalaw patungong West sa bilis na 15kph.
Posibleng sa Sabado ng madaling araw ito pinakamalapit ito sa southern part ng Sibuyan at Tablas Island, ayon sa Central Office Disaster Information Coordinating Center ng DILG.
Nasa Tropical Cyclone Warning Signal #1 rin ang mga probinsya ng Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands; Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu including Camotes Islands, Aklan, Capiz, Northern Iloilo, Northern Negros Occidental, at Dinagat Island.
Samantala, itinaas na kahapon ng Office of Civil Defense ang Red Alert status sa buong MIMAROPA Region para paghandain ang lahat ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa bagyong #UsmanPH.