Nag-landfall na kaninang alas-6 ng umaga ang mata ng Bagyong Usman sa bahagi ng Borongan City, Eastern Samar at ngayon ay bumaba na sa category na isang low pressure area (LPA).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang tropical cyclone warning signal #1 ay tinanggal na lahat ng probinsya.
Ngunit dahil sa LPA, makakaranas parin ng moderate to heavy rains ang mga lugar ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region and Aurora at light to moderate naman sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Central Luzon at Visayas.
Huling namataan ang low pressure area sa may vicinity ng Llorente, Eastern Samar kaninang alas-7 ng umaga.