Napagkasunduan ng Sangguniang Bayan ng Odiongan sa ginanap nilang regular session nitong Huwebes, December 27, na ideklarang bakante ang mga posisyon sa lahat ng committees na meron sila.
Nanalo sa botong 6-5 ang mosyon ni SB Rollie Lachica na idinedeklarang bakante ang lahat ng committees, kasunod ng debate nila ni SB Diven Dimaala, dating chairman ng committee on appropriation patungkol sa hindi pa naipapasang appropriation ordinance ng Munisipyo ng Odiongan para sa taong 2019.
Ang pagbakante sa mga position ng lahat ng committees ay epektibo na agad.
Sa sideline interview ng Romblon News Network kay Lachica, sinabi nito na ang pagkakabante ng position sa committee on appropriation at pagkakaroon ng bagong Chairmain ay makakatulong para mafast-track ang pag-uusap sa budget ng munisipyo.
Sa huli, inihalal bilang bagong appropriation chairman si SB Romeo Chua Jr., habang vice chairman si SB Lachica.
Nagsimula ang paghahain ng mosyon ni SB Lachica matapos mag-privilege speech si SB Dimaala at magrekomendang i-nullify ang mosyon ni SB Lachica noong 6th special session kung saan ipinababalik nito ang inaprubahang 20% development fund ng munisipyo sa Municipal Development Council para matingnan ang kanilang rekomendasyon at mga question.
Paliwanag ni SB Dimaala, nasagot na sa mga committee hearing at budget hearing ang mga hinaing na inipalit ni SB Lachica at isa pa umano ay miyembro ng committee on appropriation si SB Lachica kaya hindi umano dapat ito komukontra sa report ng kanilang committee.
Related Story: Legislative deferred the passing of Odiongan’s 2019 proposed budget