Isang Romblomanon ang kasalukuyang lumilikha ng ingay at pangalan pagdating sa larangan ng Rap Battle sa ibang bansa at dito sa Pilipinas.
Siya si John James Ruado Doroy, kilala sa pangalang ‘BLKSMT’, tubong Odiongan, Romblon at ngayon ay nakabase sa Japan kung saan lumalaban sa ‘052 Rap Battles’.
Kwento ni Doroy sa Romblon News Network, 2017 lang siya nagsimulang sumali sa rap battle sa Japan ngunit noon pa man ay kilala na siya sa Odiongan na magaling sa nasabing larangan.
Isa sa mga nakalaban ni BLKSMT sa rap battle ay si Apekz, kilalang musician at rap battle artist sa Pilipinas. Katunayan aabot na sa halos 1-million views sa youtube ang kanilang laban sa Japan.
Ilan sa mga linya ni BLKSMT na tumatak sa tao ay ang: “Bakit ako MAGHAHANDA sa laban, ay hindi naman ako MAGPAPAKAIN” at “Oo BISAYA ako, kaya kinakain ko yung mga TAGALOG,”.
Sa darating na December 22, babalik Pinas si BLKSMT hindi para magbakasyon kundi para makalaban si Lanzeta sa isang TIETEST Battle League na gaganapin sa Matchbox Yard sa Commonwealth, Quezon City.