Pinuri ng publiko ang Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Supt. Raquel Martinez dahil sa pagpapatupad ng istriktong ‘no helmet no driving policy’ sa bayan ng Odiongan, Romblon simula noong November 01.
Sa facebook post ni Kim Fornal ng Globe Telecom, pinuri niya ang mga implementing agencies dahil sa pag-iingat sa kaligtasan ng lahat.
“Ang pagsunod sa batas ay nasa tamang pagpapatupad at pakikipagtulungan ng mamamayan. Nakakaproud maging isang Odiongananon, masunurin at mapagtalima,” bahagi ng post ni Fornal.
Samantala, ayon sa ilang komento na makikita sa FB Page ng Romblon News Network, sinabi ng ilan na kailangan umano ang pagpapatupad ng ganitong batas para mabawasan ang aksidente sa Odiongan at maiwasan rin ang mga mabibilis magpatakbong mga rider.
Narito ang ilan sa kanilang komento: