Nagsama-sama nitong nakaraang linggo ang mga media practitioners at bloggers mula sa iba’t ibang probinsya sa Luzon para sa second leg ng heritage caravan na inorganisa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Philippine Information Agency (PIA).
Ang second leg ng nasabing heritage caravan, na may temang “Sulong Luzon, Yamang Kultura’t Sining’, ay ginanap sa mga probinsya ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon).
Sa pahayag ni Cristina Arzadon, PIA Director sa Calabarzon, sinabi nito na ang heritage caravan ay bahagi ng year-long promotion ng NCCA at PIA para mas ipakilala ang mga historical towns, homegrown industries, museums of national artists, renowned festivals, at mga kultura sa Region IV.
“The caravan is a unique way of promoting Luzon’s culture because our media partners will have a real feel of what our provinces have to offer to those who want to embrace, relive and preserve the glorious past,” bahagi ng pahayag ni Arzadon.
Sa nasabing heritage caravan, binisita ng mga mamahayag mula Luzon, kasama ang Romblon News Network, ang kilalang Underground Cemetery sa Nagcarlan at woodcarving sites sa Paete, Laguna; gayun din ang Angono Petroglyphs, na may pinakamatandang kilalang artwork sa Pilipinas, at iba’t ibang heritage at art museums sa probinsya ng Rizal.
Pinasalamatan naman ni NCCA Information Division Head Rene Napeñas ang mga dumalong mamahayag gayun na rin ang Philippine Information Agency sa walang sawang pagsuporta sa mga programa ng kanilang opisina.
Inanunsyo rin ni Napeñas na sa susunod na taon ay posibleng sa rehiyon ng MIMAROPA na binubuo ng mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan gaganapain ang third leg ng nasabing heritage caravan.