Nakiisa ngayong araw, November 05, ang iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Romblon sa ginanap na 4th Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa taong 2018.
Sa bayan ng Banton, isinagawa ang earthquake drill na pinangunahan ng mga tauhan ng Banton Municipal Police Station sa Libtong Elementary School kaninang alas-8 ng umaga.
Sabay-sabay na tinuruan ang mga estudyante rito kung paano mag ‘duck, cover, and hold’ kapag may tumamang lindol at kung saan sila pwedeng tumago kung sakaling may mga bagay na nahuhulog mula sa kesame ng kanilang paaralan o bahay.
Matapos mag ‘duck, cover, and hold’, sabay-sabay naman silang pumunta sa ligtas na lugar para doon magbilang kung may kulang sa kanilang grupo.
Tinuruan rin ng Banton Municipal Police Station ang mga estudyante at guro kung ano ang pwede nilang gawin para makapag-bigay ng first aid sa mga kasamahang pwedeng masugatan kung sakaling may lindol na mangyari.