Binigyan ng parangal sa katatapos lang na 29th National Statistics Month (NSM) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA Field Office at ito ay ang ‘Best Statistical Activity Conducted by a Government Organization’.
Ipinagkaloob ang award ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang panayam kay Jason Eco Oliverio, information officer ng Listahanan ng regional field office, nakuha nila ang award matapos silang magsagawa ng 4th Listahanan Anti-Poverty Symposium noong October 17, 2017, sa Boac, Marinduque bilang bahagi ng statistics month celebration.
Sinabi pa ni Oliverio na ang Listahanan Anti-Poverty Symposium ay isinasagawa nila kada-17 ng Oktubre at ngayong taon ay ginawa sa probinsya ng Romblon.
“Receiving the award means the DSWD MIMAROPA Listahanan has shown significant and distinct initiatives and contributions to popularizing statistics through the holding of symposiums that give a face to their content,” pahayag ni Oliverio sa Palawan News.
Sa panayam naman ng Romblon News Network kay Oliverio nitong Oktubre, sinabi nito na ang mga statistical data na nakokolekta ng Listahanan (Talaan ng Pamilyang Nangangailangan) ay nakakatulong sa mga local government unit para matukoy kung saang mga lugar ang dapat bigyan ng mga priority projects.
Base sa kanilang 2015 data, aabot sa 20,777 ang poor household na nailista mula sa probinsya ng Romblon.