Pinagkalooban ng mga libro kagaya ng pop-up books, at sticker atlas, ang Early Childhood Care Development Center (ECCD Center) ng bayan ng Odiongan sa Romblon mula sa pamilya ni Sherilyn Leong Valerio ng Manila, para magamit ng mga batang nag-aaral rito.
Ayon sa facebook post ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang pamilya Leong Valerio ay maraming na-donate na libro sa center habang ang iba naman ay dadalhin sa mga barangay lalo na sa mga malalayong lugar.
Ang mga nasabing aklat ay malaking tulong sa paghubog sa pag-aaral ng mga bata sa Early Childhood Care Development Center.
Nitong nakaraang linggo, binisita ng alkalde ang mga bata at nakipagkwentuhan sa mga ito.
Sa FB post ng alkalde, pinasalamatan nito ang pamilya Leong Valerio sa kanilang kagandahang-loob dahil sa ibinigay na mga libro. Pinasalamatan rin nito ang mga guro sa ECCD Center dahil sa patuloy na pagsisikap para mapaganda ang paglaki ng mga batang nag-aaral rito.