Nagpakitang gilas sa paggamit at pagpapatuok ng baril ang aabot sa 96 na babaeng police ng Romblon Police Provincial Office sa ginanap na 2nd Romblon PPO Lady Cop Challenge 2018 nitong October 26-28 sa Capaclan, Romblon, Romblon.
Layunin ng nasabing Lady Copy Challenge na mas mahubog ang mga babaeng pulis sa kanilang paggamit ng kanilang mga baril gayun na rin ang pagkakaroon ng camaraderie ng bawa’t babaeng pulis.
Ayon kay Police Senior Supt. Leo Quevedo, Provincial Director ng Romblon Police Provincial Office, ang nasabing ay may 3-stage firing range challenge ay vital lalo sa ‘markmanship’ ng mga kapulisan.
Naging panauhing pandangal sa nasabing event si Vice Governor Jose Riano kung saan sinabing suportado niya ang kampanya ng mga kapulisan sa lalawigan ng Romblon.
Sa huli, itinanghal na champion si Odiongan Municipal Police Station Chief Raquel Martinez, habang first runner-up naman si Romblon PPO Spokeperson Ledilyn Ambonan. Nakakuha rin ng runner-ups sina PO3 evelie Gabutero, PO2 Mon A Liza Falcunit, at PO2 Jessica Viena Sari.