Itinuturo ng oil industry sa Odiongan, Romblon ang pahirapang pagbiyahe ng langis mula sa Mainland Luzon kaya mahal ang presyo ng gasulina at diesel sa bayan.
Ayon kay kay Duane Salvatera, Manager ng EcoOil Romblon, malaki umano ang ginagastos ng kanilang kompanya para lang makapagdala ng gasolina sa lalawigan dahil itinatawid pa ito sa dagat.
“Number One problem ng mga gas station dito yung mga truck ay galing pa ng Lucena o Batangas at magbabayad ng around P100,000 per truck so kung 20,000 litters may P5 na dagdag sa freight palang, ay siyempre yung markup pa ng mga dealers,” pahayag ni Salvatera sa Romblon News Network.
Dagdag rin umano sa gastos ang patong-patong na kinukuha ng Gobyerno sa kanila pagdating sa Train Law, Percentage Tax, at Excise Tax kaya malaki rin ang patong sa gasulina.
Sa pag-iikot ng Romblon News Network nitong Martes, umabot na sa P65.15/liter hanggang P72.17/liter ang presyo ng gasulina habang P57.20/liter hanggang P60.04/liter naman ang presyo ng Diesel ito ay kasunod ng oil price hike na ipinatupad ngayong araw.
Samantala, bukas na pag-uusapan ng Municipal Price Coordinating Council ng bayan ng Odiongan, Romblon ang isyu at kung ano ang gagawin nilang hakbang para masolusyunan ito.