Nag krus ang landas ng grupo nina Governor Eduardo Firmalo at dating Congressman Eleandro Madrona sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Odiongan nitong Martes ng umaga.
Nasa opisina ang grupo nina Madrona para samahan sina SP Venizar Maravilla, at incumbent Vice Mayor Mark Anthony Reyes sa kanilang pag-file ng certificate of candiday (coc) para sa pagka-alkalde at bise-alkalde ng nasabing bayan.
Habang si Firmalo ay nasa parehong opisina naman para samahan rin ang anak niyang si re-electionist na si Odiongan Mayor Trina Alejandra Firmalo-Fabic at kanyang tandem na si incumbent SB Diven Dimaala na tatakbo namang bise-alkalde.
Nagkamay ang dalawang dating magka-coalition gayun rin ang kanilang mga pambato para sa bayan ng Odiongan.
Nasa labas rin ng opisina ng Comelec-Odiongan sina Congressman Emmanuel Madrona, Vice Governor Jose Riano, at ilang Sangguniang Panlalawigan members.
Ayon sa ilang netizens na nasa lugar ng mag-krus ang kanilang landas, senyales umano ito ng tahimik na eleksyon sa lalawigan ng Romblon sa susunod na taon.