Niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang bayan ng Calatrava, Romblon bandang 7:32 ngayong gabi, October 18.
Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa layong 009 km N 04° E ng Calatrava, Romblon at may lalim na 015km.
Sinabi rin ng Phivolcs na Tectonic ang dahilan ng paggalaw ng lupa sa bayan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa ilang residente ng Romblon, Romblon, naramdaman rin sa kanilang bayan ang nasabing bayan.
Paniniguro ng Phivolcs, wala umanong inaasahang aftershocks ang nasabing lindol.