Opisyal ng binuksan sa publiko ang MIMAROPA Agri-Trade Tourism Fair sa Megatrade Hall, Megamall sa Metro Manila nitong Miyerkules.
Pinangunahan ang pagbubukas nina Romblon Governor Eduardo Firmalo, at Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali Jr., kasama ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT), Department of Agriculture (DA), at Department of Agrarian Reform (DAR).
Tampok sa nasabing Agri-Trade Tourism Fair o tinawag nilang MIMAROPA Naturally ang mga produkto mula sa mga probinsya na bumubuo sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan).
Ilan sa mga tampok na produkto ng Romblon ay ang peanut butter, woodworks, handicrafts, ginger teas at siyempre ang ipinagmamalaki ng probinsya na mga produktong gawa sa marmol.
Bukas ang MIMAROPA Naturally hanggang sa darating na Linggo, October 21.