Opisyal ng naghain ngayong Lunes, October 15, ng kanilang kandidatura para sa matataas na pwesto ng probinsya ng Romblon ang tandem nina incumbent Governor Eduardo Firmalo, Former Calatrava Mayor Robert Fabella at incumbent SP Felix Ylagan.
Bago dumiretso ng Commission on Elections (Comelec) provincial office ang grupo nina Firmalo, dumaan muna sila sa St. Joseph Parish Church para ipagdasal ang kanilang pagtakbo para sa May 2019 Elections.
Tatakbo sa pagka-Congressman si Firmalo, habang Gobernador naman si Fabella, at Bise nito si Ylagan.
Kasama ring nag-file ng tatlo ang kanilang mga pambato sa pagka-board member ng first district at second district. Ang kanilang pambato sa first district ay pinangungunahan ni incumbent San Fernando, Romblon Mayor Dindo Rios kasama sina Obet Madera, Alping Moreno, at Linda Mingo. Sa second district naman ay sina Bing Solis, dating Judge Jose Madrid, Daryle Galindez, at Arman Fainsan.
Ang grupo nina Firmalo ang unang grupong nag-file ng kanilang certificates of candidacy (COC) sa Comelec.
Inaasahang makakalaban ng grupo ang tandem nina incumbent Congressman Emmanuel Madrona, incumbent Vice Governor Jose Riano, at incumbent SP Armand Gutierrez.