Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga empleyado ng Gobyerno na bawal silang mangampanya para iboto ang isang kandidato sa darating na May 2019 elections.
Sinabi ni CSC chairperson Alicia dela Rosa Bala na ang pangangampanya para iboto ang isang kandidato ay paglabag sa civil service rules at sa election code ng Pilipinas.
Maaring maharap sa suspension sa trabaho o di kaya ay matanggal sa serbisyo ang isang empleyado ng Gobyerno na mapapatunayang lalabagin ang civil service rules at sa election code.
“The moment a person has already filed his/her candidacy and if an employee starts campaigning for that person that’s already a violation of the Election Code and our joint circular,” pahayag ni Bala sa isang press conference.
Inaasahang maghahain na simula sa Huwebes, October 11, ng kani-kanilang mga Certificate of Candidacy ang mga tatakbo sa 2019 Election.
“The moment you start campaigning to vote for your candidate or vote this person that’s a violation,” dagdag pa ni Bala.