Nakatanggap na ng P50,000 cash mula sa Romblon Provincial Government ang aabot sa 20 na senior citizen sa probinsya ng Romblon nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Governor Eduardo Firmalo, nagsimula silang magbigay ng cash incentives nitong weekend sa bayan ng Ferrol habang ginaganap ang 30th Provincial Elderly Filipino Celebration sa nasabing bayan.
Ngayong araw, tinanggap naman nina Lola Juliana M. Moreno, 98, at Lola Remedios M. Manzo, 99, ng Romblon, Romblon ang cash incentives at personal itong inabot ng Gobernador kasama si SP Felix Ylagan, OSCA Pres. Lerma M. Eriespe, Michelle Braganza ng PTO, at MSWDO Ma. Lourdes M. Fajarda.
Ilan pa sa nabigyan nila ay sina Flora Esteban (97,Looc); Corazon Orencio (97, Romblon); Juan Montesa (97, San Agustin); Corazon Galicha (97,Cajidiocan); Eufrasia Tiaga (97, Sta Fe); Bonifacio Pampola (97, Ferrol); Estelito Largueza (98, Sta Maria); Purita Fetalino (98, San Andres); Columba Tayo (98, Romblon); Aida Cajilig (98, Alcantara); Adoracion Francisco (98, Looc); Equalberto Seraspi (98, Sta Fe); Patrocenio Rabalo (98, Cajidiocan); Loreto Rance (99, Cajidiocan); Primitiva Urbano (99, Odiongan); Adoracion Faclarin (99, Odiongan); Luisa Madrazo (99, Sta Fe); at Diosdada Taborete (99, Odiongan).
Matatandaang nabanggit ng Gobernador sa kanyang ‘Ulat sa Lalawigan’ ang pagbibigay ng P50,000 cash sa mga senior citizen na pasok sa edad na 97-99. Hindi na aniya kailangan pang mag-antay ang mga senior citizen na dumating sa edad na isandaan (100) para makatanggap ng insentibo mula sa pamahalaan.
Ang PSWDO sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office ang magsasagawa ng assessment at balidasyon para matukoy ang mga senior citizen sa iba’t ibang munisipyo na kwalipikado para sa programang ito.
Pangunahing prayoridad sa programang ito ang mga mahihirap o indigent senior citizens na nanghihina na, sakitin, may kapansanan at walang natatanggap na pension o permanenteng pinagkukunan ng kita o suporta sa miyembro ng pamilya.