Muling ibinida ni Romblon Govenor Eduardo Firmalo ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa probinsya ng Romblon mula 2010 hanggang sa kasalukuyan, sa ginanap na ‘Ulat sa Lalawigan’ sa Odiongan, Romblon ngayong Miyerkules, September 26.
Ang ng nasabing ‘Ulat sa Lalawigan’ ay replika ng ginawang aktibidad ng Office of the Governor sa bayan ng Romblon noong September 17.
Sinabi ni Firmalo na ang mga priyoridad niya sa probinsya simula ng maupo ito bilang Gobernador ay ang Infrastructure, Health, Education, Agriculture, Reforestation, Tourism at Peace o tinawag niyang ‘I-HEART Peace’.
Sa Infrastructure, simula 2010 hanggang sa unang mga buwan ng 2018 ay may aabot na sa P677-million pesos infrastructure project ang nagawa ng provincial government sa iba’t ibang bayan ng lalawigan kasama na ang mga project sa mga island municipalities ng Banton, Corcuera, Concepcion, at San Jose.
May aabot na rin sa 29.44km farm to market road ang nasemento ng probinsya at 21.8km ng provincial road ang nasemento.
Pagdating naman umano sa Health, ang Romblon Provincial Hospital umano noon ay may apat lamang na doctor lamang pero ngayon ay may aabot na sa 40 doctors. Nakakuha rin umano ang ng budget ang provincial government mula sa Department of Health para makatulong sa pagpapaganda pa ng walong ospital sa lalawigan, kasama na ang budget para sa mga indigent na mga pasyente at mga pasyenteng na-admit sa Metro Manila.
Nagbigay rin ng P28-million pesos budget ang provincial government para sa pagpapaganda ng mga equipment sa mga ospital sa lalawigan.
Sa Edukasyon naman, ibinida ng Gobernador na may P7-9million kada taong nilalaan ang provincial government para sa special education fund. Nakaubos na rin umano sila ng P20-30million para sa pagtatayo at pagsasaayos ng iba’t ibang silid aralan sa lalawigan. Mula naman 2010, may aabot sa 1,100 na scholars na ang pinaaral ng Provincial Government sa kolehiyo.
Patuloy naman ang paghihikayat ni Governor Firmalo at ng Provincial Government sa mga Romblomanon na magtanim ng mga gulay, at palay, at pag-aalaga ng mga live stocks, at ang pangingisda ng ligal para mas tumaas pa ang kalidad ng Agrikultura sa probinsya. Ibinida nito ang iba’t ibang programa ng provincial government sa pakikipatulungan ng Department of Agriculture na pwedeng makatulong sa mga magsasaka.
Masaya rin namang ibinida ng Gobernador na ang lalawigan ng Romblon ay No. 2 producer ng seaweeds at coconut sa buong MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), ito ay bunga ng ginagawang Reforestation program ng provincial government.
Sa Turismo naman, sinabi ni Firmalo na may aabot sa 98,574 tourist ang naitala ng Provincial Tourism Office na pumasok sa buong lalawigan mula lamang January hanggang June ng taong 2018, malaki ito kesa sa mga naunang mga taon. Malaking tulong umano rito ang mga malalaking event sa probinsya para mas makilala pa ang Romblon sa labas.
Ipinagmalaki rin ng Gobernador dahil ang lalawigan ng Romblon ay idineklarang Drug-Cleared Province, ikalawang probinsya sa buong bansa na makilala ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police.
Mula 2010, narito ang mga awards na nakuha ng Provincial Government ng Romblon at ni Governor Firmalo:
2010 GAWAD LISTAHAN AWARD (DSWD)
2010 MOST PWD PROVINCE
2010 MOST FILIARIASIS FREE PROVINCE
2010-2011 #1 ECONOMIC ENTERPRISE COLLECTION
2010&2011 #1 BUSINESS TAX COLLECTION
2011 BEST LGU PERFORMER
2011 SEAL OF GOOD HOUSE KEEPING
2015 GOOD FINANCIAL HOUSE KEEPING
2015-2016 RDRRMC GAWAD KALASAG AWARD
2015-2016 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE
2017 DRUG-CLEARED PROVINCE
2017-2018 INNOVATIVE PROVINCE FOR NUTRITION
2017 RECOGNITION FOR PASSING 5 OUT OF 7 SEAL OF GOOD GOVERNANCE (ASSESSMENT AREA)
2018 MOST PWD FRIENDLY PROVINCE (MIMAROPA)
TOP TEN PERFORMING GOVERNOR (DILG)
2010-2013 CHAIRMAN MIMAROPA PEACE AND ORDER COUNCIL
2016-2019 DEPUTY SECRETARY GENERAL ” LEAGUE OF THE PROVINCES OF THE PHILIPPINES”
MIMAROPA REPRESENTATIVE TO EXECUTIVE BOARD PF THE LEAGUE OF PROVINCE
Related Story: Gov Lolong, ibinida ang mga accomplishments ng probinsya sa ‘Ulat sa Lalawigan’ — Sept. 17