Patuloy umano ang ginagawang pagtatrabaho ng Provincial Government at ng Romblon Provincial Health Office sa iba’t ibang ospital sa lalawigan ng Romblon para re-classifiy ito bilang isang Level 1 Hospital mula sa kasalukuyang estado nito na isang infirmary level facility.
Yan ang binigyang diin ni Romblon Governor Eduardo Firmalo ng ito ay magbigay ng kanyang Ulat sa Lalawigan nitong Miyerkules, September 26, sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Sinabi ni Firmalo na posibleng ang Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc, Romblon ang susunod na magiging Level 1 Hospital at susunod naman ang iba pang ospital sa mga isla ng Romblon at Sibuyan. Ito ay dahil sa patuloy na ginagawang pag-upgrade sa mga pasilidad sa mga ospital sa Romblon sa tulong ng Department of Health.
Maalalang taong 2012 ng maglabas ng order ang Department of Health na gawing infirmary level facility ang lahat ng ospital sa bansa na kulang ang mga pasilidad, at kasamang naging infirmary level facility ang lahat ng ospital sa lalawigan maliban sa Romblon Provincial Hospital.
Sinabi ng Department of Health na bago ma-classify bilang Level 1 ang isang Hospital ay kinakailangang meron silang surgery room; isolation, surgical and maternity facilities; dental clinics; secondary clinical laboratory; blood station; first level X-ray; at pharmacy. Pwedeng maging Level 2 naman kung dadagdagan ang mga nabanggit sa Level 1 ng respiratory unit, high pregnancy risk unit, at second level X-ray with mobile unit. Level 3 naman kung madagdagan ang mga ito ng ‘DOH-accredited teaching and training on 4 major clinical services, ambulatory surgical and dialysis clinics’ at blood bank.
Bilang tulong ng Department of Health Department of Health MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) sa Romblon para sa plano ng probinsya na maging level 1 ang status ng iba pang ospital sa lalawigan, pumasok ang dalawa sa isang memorandum of agreement para sa aabot sa mahigit P200-million na pondo para sa pagsasaayos ng mga pasilidad sa walong ospital sa lalawigan.
Kung sakaling magiging Level 1 Hospital na ang Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc, pwede na rito gawin ang mga operasyon ng mga Doctor kesa dalhin pa sa Romblon Provincial Hospital. Inaasahang makakatulong itokung sakaling natuloy sa mga pasyenteng mangagaling ng mga bayan ng San Jose, Alcantara, Sta. Fe, at Santa Maria.