Hindi ipinagbabawalang bahala ng Police Regional Office MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang posibleng epekto ng bagyong #OmpongPH sa mga lalawigan na sakop ng rehiyon kahit na malayo ang tinatahak na path ng bagyo.
Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, hepe ng Regional Public Information Office ng PNP MIMAROPA, ipinag-utos ngayong araw ng bagong upong regional director ng PRO MIMAROPA na si Chief Supt. Tomas Apolinario na i-activate na ang “Operation Plan Saklolo” bilang paghahanda sa bagyo.
Pinaghahanda na rin ni Chief Supt. Apolinario ang mga commanders at mga units nito lalo na sa mga mababang lugar para sa posibleng search, rescue, at relief operations kung sakaling kailanganin.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng palakasin ng bagyong Ompong ang Habagat na posibleng magdala ng ulan sa rehiyon ng MIMAROPA.