May aabot sa mahigit 50 na Romblomanong PWD (Persons With Disability) ang nahandugan ng libreng wheelchair at prosthetic leg na bigay ng iba’t ibang grupo nitong katapusan ng Agosto.
Ayon kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, may aabot sa 38 customized wheelchairs at 33 prosthetics ang inihandog ng mga taga Philippine General Hospital (UP-PGH), UERM Rehab Depts, Physicians for Peace, CSibale, NORFIL Foundation, Inc., Church of Latter Day Saints Foundation, sa pakikipagtulungan na rin ng Munisipyo ng Odiongan at ng Romblon Provincial Government.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa at plinano ni Dra. Leonie Firmalo, asawa ng Gobernador ng lalawigan ng Romblon.
Nakangiti namang tinanggap ang mga libreng wheelchair at prosthetic leg ng mga beneficiaries na galing pa sa mga bayan sa Tablas, Romblon, at Sibuyan.
Malaking tulong umano ang mga ito para makapamuhay ng maayos ang mga beneficiaries at hindi na mahirapan sa kanilang araw-araw na gawain.