Ipinagutos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang pagpapalitan ng limang opisyal ng PNP sa buong bansa kasama an ang Regional Director ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police Regional Office.
Uupo bilang acting Regional Director ng MIMAROPA Police Regional Office si Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. at papalitan si Chief Supt. Emmanuel Luis Licup na malilipat naman sa Western Mindanao Police Regional Office (PRO-9), ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Benigno Durana Jr. nitong Lunes.
Ayon kay Durana, ang pagpapalitan sa pwesto ng mga high ranking officials ay para masiguro na nasa tamang pwesto ang mga nakaupong opisyal ng pulisya.
“The new designations were approved by the Chief PNP based on the recommendations of the PNP Senior Officers Placement and Promotion Board,” dagdag ni Durana.
Bukas naman inaasahang opisyal ng uupo si Chief Supt. Apolinario bilang hepe ng MIMAROPA Police Regional Office ayon kay RPIO Spokeperson Supt. Imelda Tolentino.