Kinumpirma nitong Huwebes ni Mayor Mariet Babera sa Romblon News Network na nagdeklara na ng State of Calamity sa isang Barangay ng Calatrava, Romblon dahil sa epekto ng coconut scale insect o mas kilala bilang cocolisap.
Ayon kay Babera, kailangan nila mag declare ng state of calamity sa Barangay Pangulo dahil patuloy umano ang pagkalat ng mga insekto sa mga puno rito at para narin makahingi umano ng tulong sa mga National Agencies kagaya ng Philippine Coconut Authority.
“Nag-declare po kami ng state of calamity, pero we can’t support them [Famers] financially kasi one barangay lang yung affected. Ang pag-declare ay para lang mabigyan ng support ng PCA para masugpo ang cocolisap,” pahayag ni Babera.
Humihingi na rin umano ng tulong ang munisipyo ng Calatrava sa Provincial Government ng Romblon para matulungan silang mapaputol ang mga puno ng niyog sa lugar.
Matatandaang September 2017 ng maiulat ni Protacio Rubia, Agriculturist II ng Philippine Coconut Authority Romblon na may aabot sa 1,500 na puno ng niyog ang apektado ng cocolisap sa nasabing barangay ngunit sa kasamaang palad makalipas ang halos isang taon ay lalong dumami ang mga punong dinapuan ng insekto.
Dipensa ni Mayor Babera, maramin kasi umanong mga farmers ang ayaw pumayag na puputulin ang kanilang puno kaya nahihirapan umano silang gumawa ng aksyon.
“Ang problema kasi sa mga tao rito, ayaw ipaputol kasi mawawalan daw sila ng hanapbuhay, mawawala ang kanilang copra,” pahayag ng alkalde.
Ang mga cocolisap isang ‘distructive insect’ na umaatake ng mga puno ng niyog sa pamamagitan sa pagkain sa kanilang mga dahon, bunga, at bulaklak kung saan tanging trunk nalang ng puno ang matitira.
Ayon sa Philippine Coconut Authority Romblon, almost 85% ng mga farmers sa Romblon ay naka dipende sa mga puno ng Niyog dahil ito ang pangunahing produkto ng probinsya lalo sa Tablas Island kung saan matatagpuan ang bayan ng Calatrava.