Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang tatlong wanted sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong nakaraang dalawang araw, September 24 to 25.
Unang naaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station si Joven Estimoso Gabay, 32-anyos, residente ng Barangay Progreso Este at wanted dahil sa kasong Child Abuse.
October 25 noong nakaraang taon ng maglabas ng warrant of arrest si Hon. Ramiro Geronimo ng Regional Trial Court Branch 82.
Samantala, kusang sumuko rin noong September 24 si Lucresio Marquez Gervacio, 56-anyos, residente naman ng Barangay Tulay at wanted sa kasong murder.
Itinuturing na Top 2 Most Wanted Person si Gervacio ng Odiongan Municipal Police Station dahil taong 2014 pa ang warrant of arrest ni Gervacio na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82.
Martes naman ng maaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station si John Jeric Gumarao Faa, 22-anyos, residente naman ng Barangay Tumingad.
Si Faa ang itinuturing suspek sa pagnanakaw ng isang motorsiklo sa labas ng isang bar sa Odiongan noong July 01 ng gabi. Hinanap ng may-ari ng sasakyan ang motor hanggang matagpuan noong July 09 ang motorsiklo na itinitago ni Faa.
Ibinebenta umano ng suspek ang motorsiklo na kapareho sa description ng motorsiklo na nawawala kaya agad nagkasa ng operasyon ang kapulisan para hanapin ang suspek at ang motor.
Hindi na itinanggi ni Faa ang krimen, aniya, nagawa niya lang umano yun dahil akala nahiya na umano siyang isauli ang motorsiklo.
Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o mas kilalang New-Anti Carnapping Law. Maaring makalaya pansamantala ang suspek kung magbabayad ito ng P60,000 na piyansa.
Ayon kay Police Senior Inspector Kenneth Guttierez, hepe ng Odiongan Municipal Police Station, nagpapakita lang na hindi tumitigil ang mga kapulisan sa Odiongan para mapanatiling ligtas ang bayan sa mga krimen.