Matagumpay na idinaos sa bayan ng San Agustin, Romblon ang 2018 Division ALS Tagis Galing na may temang “Husay at Galing ng Mag-aaral ng ALS Panoorin Tungo sa Magandang Bukas” noong Setyembre 8-10, 2018. Nilahukan ito ng aabot sa 276 na mag-aaral mula sa iba-ibang bayan ng lalawigan ng Romblon.
Nagtagisan sila sa mga larong basketball, volleyball, athletics games, Quiz Bee (Math at Science), Search for Mr. & Ms. Tagis Galing; Altista (poster making), ALS Singing, Tagis salita, Tagis Sulat, at Tagis Kwento.
Sa pagtatapos ng nasabing paligsahan nahirang na Over-all Champion ang cluster 3 na binubuo ng mga bayan ng Looc, Alcantra, Sta.Fe, at San Jose. Nakuha naman ng Cluster 4 na binubuo ng mga bayan ng San Agustin, Calatrava, at Sta.Maria ang ikalawang pwesto at ikatlong pwesto ang Cluster 2 na binubuo ng mga bayan ng Sibuyan.
Nagbigay tulong pinansyal para sa mga papremyo sina Congressman Emmanuel Madrona; Vice-Governor “ Otik” Reano at si Board Member Arman Gutierez na nagkakahalagang P70,000.00.