Kinilala sa katatapos lang na culminating activity ng 23rd Police Community Relations Month sa Camp Efigenio C Navarro sa Calapan City ang Romblon Municipal Police Station bilang Outstanding Municipal Police Station of the Year in Police Community Relations nitong August 06. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Tapat na Serbisyo at Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Mamamayan, Hatid ay Kaunlaran”.
Ipinagkaloob ang parangal sa Romblon MPS nina Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA; at ni Dr. Benjamin D. Paragas ng Department of Education MIMAROPA.
Masayang tinanggap ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, Chief of Police ng Romblon MPS, ang nasabing parangal. Aniya, ang nasabing pagkilala ay dahil sa mga nagawang accomplishments at mga contribution ng Municipal Police Station sa pag-promote at pagpapatibay ng police community partnership gayun na rin sa pagpapanatiling tahimik ng bayan.
Maliban sa nakuhang parangal ng Romblon Municipal Police Station, kinilala rin bilang “Outstanding PPO of the Year for PCR” ang Romblon Police Provincial Office sa pangunguna ni PCSupt. Leo Quevedo; Outstanding Senior PCO of the Year for PCR naman si Police Supt. Raquel Martinez; at plaque of recognition naman kay Mayor Mariano M. Mateo ng Romblon, Romblon sa walang sawang pagsuporta nito sa Police Regional Office MIMAROPA.