Muling pinaalala ng Department of Labor and Employment – Romblon (DOLE-Romblon) na dapat sundin ng mga employer ang itinakda ng batas na minimum wage sa probinsya ng Romblon.
Ito ang sinabi ni Carl Villaflores, Provincial Director ng DOLE sa Romblon sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon nitong Lunes, August 06.
Sinabi pa ni Villaflores na ang mga employer na may 10-pababang empleyado ay dapat may P271/day minimum wage at P300/day naman kung ang employer ay may 10-pataas na mga empleyado.
Pinaalala rin ni Villaflores na dapat magbigay rin ng separation pay ang mga employer kung sakaling may magresign sa kanilang mga empleyado.
“Ang separation pay depende yan [kasi] kung naka-6 months kana consider ng 1-year yan; pero kung wala ka pang 6-months, wala kang separation pay. Pero may mga employeer kasing [mababait] kahit 3-months palang ay nagbibigay na ng separation pay,” pahayag ni Villaflores.
Paalala pa ni Villaflores, ang pagbabayad sa PhilHealth at SSS ng empleyado ay sagot ng employeer kung sakaling mababa sa P5,000 ang sahod nila at sharing naman kung sakaling mahigit P5,000 ang natatangap kada buwan.
Maaring lumapit sa opisina ng Department of Labor and Employment sa Odiongan kung sakaling may mga employeer na hindi sumusunod sa batas.
ERRATUM: Ayon kay PD Carl Villaflores, nitong August 01, ginawa ng P271/day ang minimum wage na dapat ibayad ng mga employer na may 10-pababang empleyado.