Aabot sa isang daang kabataan ng Church of the Foursquare Gospel of the Philippines, Romblon-Aklan District ang nakilahok sa ginanap na Tree Planting Activity sa bayan ng San Andres, Romblon nitong Lunes, August 27.
Nagtanim ang mga ito ng iba’t ibang puno kagaya ng mangga na nanggaling pa sa probinsya ng Guimaras ang mga seedlings; meron ring itinanim na mga puno ng langka, at iba pang punong kahoy na makakatulong para ma-preserve ang tubig sa bundok.
Ayon sa organizer ng event, nanggaling pa ang mga lumahok na mga kabataan sa iba’t ibang bayan ng Tablas at sumakay lang patungong San Andres para makadalo sa aktibidad.
Inaasahan namang malaking tulong ang mga itinanim na puno ng kahoy lalo na sa turismo ng bayan ng San Andres gayun na rin sa mga kabataan ng Church of the Foursquare Gospel of the Philippines dahil sa lugar itatayo ang camp site ng nasabing grupo.