Nakiisa ang iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Romblon sa ginanap na 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill nitong Huwebes ng hapon.
Sa bayan ng Romblon, Romblon, pagpatak ng alas-2 ng hapon ay sabay-sabay na nag ‘duck, cover, and hold’ ang mga estudyante at mga guro ng Romblon West Central School sa Brgy. IV Poblacion, Romblon, Romblon.
Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nagsagawa sila ng scenario ng rescue operations ang mga rescuers ng PNP, BFP, Coast Guard, BJMP at iba pang volunteers sa 15 na estudyanteng kunwaring na trap sa loob ng paaralan.
Nagsagawa rin ng parehong aktibidad ang iba pang bayan katulad ng ginawa sa Cambijang Elementary School sa bayan ng Cajidiocan, Romblon kung saan nag duck, cover, and hold rin ang mga estudyante rito.
Meron ring Earthquake Drill sa iba pang bayan gaya ng San Agustin, San Andres, at San Jose.
Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay ginagawa bilang paghahanda sa maaring pagtama ng malakas na lindol sa Pilipinas.