Bumisita sa lalawigan ng Romblon nitong nakaraang buwan ang tatlong grupo ng mga kabataang Pranses na binubuo ng halos 60 katao para sa isang Solidarity Tour sa probinsya. Ang mga nasabing French National ay may edad mula 15 hanggang 18 taong gulang.
Tumungo ang grupo sa iba’t ibang paaralan sa Cobrador Island sa Romblon at sa Calatrava sa Tablas Island para tulungan ang mga batang estudyante rito.
Ayon sa kanila, tinawag nila itong solidarity tour dahil maliban sa pagpasyal nila sa magagandang tanawin ng Romblon ay ginawa nilang sentro ng kanilang pagbisita ang mga residente ng mga lugar na kanilang pinapasyalan.
“The purpose of our stays is to Allow young adults to be able to leave with friends on projects of stays more solidarity, while also taking into account the need for rest and legitimate decompression and to o Ensure the parents of an organization and management, so that the trip is synonymous with pleasure and discovery, not “galley”, bahagi ng description ng kanilang tour.
Namigay sila ng mga munting regalo sa mga estudyante ng iba’t ibang paaralan na kanilang binisita sa lalawigan. Masaya naman silang sinalubong ng mga estudyante sa katunayan ang iba sa kanila mga estudyante ay nakipaglaro pa sa mga bisita.
Binisita rin ng mga French Youth bilang bahagi ng kanilang tour ang Bonbon Beach, Calatrava Coves, Agpudlos Beach & Farms, at ang Odiongan Public Market.
Tinuruan rin sila ng mga residente ng Isla ng Cobrador kung paano mag habi ng mga ‘banig’.