Dumating na kahapon, August 02, sa pantalan ng Romblon, Romblon ang aabot sa 30,000 sako ng bigas ng National Food Authority para sa mga consumers sa probinsya ng Romblon.
Alas-11 ng umaga kahapon ng dumaong sa pantalan ang MARTAM 1500-6 na may kargang mga bigas.
Ayon sa Pambansang Pangasiwaan ng Pagkain, sinimulan na kahapon na hakutin ang ilang sako ng bigas na para sa Romblon Island patungo sa kanilang bodega sa bayan ng Romblon, Romblon,
Sa mga susunod na araw umano ay dadalhin na rin ang bigas sa kanilang bodega sa Odiongan, gayun na rin sa MLGC Whse sa mga bayan ng Cajidiocan at San Fernando, Romblon.
Dagdag pa ng National Food Authority – Romblon (NFA Romblon), magsisimula na silang magbenta ng bigas sa mga “accredited outlets” sa bayan ng Romblon, Romblon sa darating na Lunes, August 06, habang sa ibang bayan naman ay sa mga susunod na araw kapag matapos na ang pagdiskarga ng mga bigas sa pinakamalapit sa kanialng warehouse.
Ang karagdagang 30,000 sako ng bigas ng National Food Authority na dumating sa lalawigan ay malaking tulong para maibsan ng mga residente ng Romblon ang bigat sa bulsa ng mga commercial rice na ibinebenta sa mga pampublikong merkado.