Muli nanamang nakapagtala ng mga bagong Agricultural Engineers ang Romblon State University College of Engineering and Technology sa katatapos lang na August 2018 Agricultural Engineering Board Examination na ginanap sa mga siyudad ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Legazpi at Tuguegarao.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), Sa 48 na graduate ng Romblon State University na na kumuha ng board exam, 13 rito ang nakapasa. Kinilala ang mga ito na sina:
- Engr. Agoilo Glory May Jean Gacu
- Engr. Almoheda Sareen Mendezabal
- Engr. Castillon Kristine Mae Gaytano
- Engr. Dela Cruz John Richard Famero
- Engr. Escarilla, Reden Fabriquier
- Engr. Faa Hazel Jane Mojado
- Engr. Fabito Ian Tiaga
- Engr. Fajanilan Krysha Sediaco
- Engr. Famadulan Jostine Marie Faner
- Engr. Fontamillas Andrew Fabic
- Engr. Mendoza Mark Gil Gregorio
- Engr. Tambalque John Mark
- Engr. Tijulan Miraflor Falqueza
Sa pangkalahatan, 851 lamang ng 1,502 na kumuha ng Agricultural Engineering Board Examination ang nakapasa sa buong bansa.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), iaanunsyo lamang sa kanilang website ang araw at lugar na pagdadaosan ng oathtaking ceremony para sa mga bagong pasa.