Aabot sa labingdalawa katao kabilang ang dalawang minor de edad ang inaresto sa Sitio Agbuyog, Brgy Capaclan, Romblon, Romblon matapos maaktuhang iligal na nagpapatupada ng mga manok.
Kinilala ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, hepe ng Romblon Municipal Police Station, ang mga naaresto na sina Ruel Maduro Cortez, 27; Raymond Pangasi Manzo, 28; Jomer Fajutnao Ramillo, 27; Arnel Fuerto Ruado, 34; Crisanto Rodelas MAngaring, 52; Emerson Robea Gamayon, 37; Faminiano marquina, 64; Freddie Rodela Marquina, 32; Johnny Galindez Manzalay, 32; Ruel Marquina Tome, 28, pawang mga residente ng nasabing bayan.
Ayon sa news release ng Romblon Municipal Police Station, nakatanggap sila ng report at video mula sa kanilang Barangay Informants Networking (BINs) na may nagaganap na iligal na patupada ng manok sa Sitio Agbuyog kaya agad silang nagpadala ng operatiba para puntahan ang lugar at ipaberipeka ang report.
Narekober sa lugar ang mga illegal gambling paraphernalia na ginamit sa patupada.
Nakakulong na ang sampung matatandang suspek sa Romblon District Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602, RA 9287 at maaring pansamantalang makalaya kung magbabayad ng P 10,000.00 na piyansa.
Habang ang dalawang menor de edad naman ay dinala sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa kaukulang aksyon.