Hirap madaanan ang isang tulay na bahagi ng Tablas Circumferential Road sa Baragay Bonga, Santa Maria, Romblon matapos na umapaw ang isang creek sanhi ng walang tigil na ulan nitong magdamag.
Pahirapan tuloy ang mga motorsiklong tumatawid sa tulay dahil sa pagbaha.
Ayon kay RC Merano, residente ng nasabing bayan, may mga puno pa umanong nagsitumbahan at humarang sa kalsada kaya pahirapan ang kanilang pag biyahe.
Agad namang dumating ang mga tauhan ng gobyerno para alisin ang mga humarang na puno at linisin ang kalsada.
Sa kabila nito, tuloy parin ang klase sa bayan ng Santa Maria ngayong araw.
Ang pag-uulan sa Romblon ay dahil sa hanging habagat na pinalakas ng bagyong Henry.