Hinihikayat ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan si Romblon Governor Eduardo Firmalo at ang Provincial Government na imbestigahan ang lahat ng mining operators sa dalawang barangay ng Romblon, Romblon na gumagamit ng Heavy Equipment.
Sa resolution No. 07-2018-105 na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan nitong July 03, sinabi nilang nakatanggap sila ng reklamo mula sa grupong AKKMA NG MAHIGUGMAON AT NAGKAKAISANG ROMBLOMANON kaugnay sa mga mining operations sa Barangay ng Agtongo at Cajimos.
Tinutukoy sa reklamo ang mga sumusunod: Iregularidad ng pagka-quarry, Mapanganib na marble quarry, Pagkalat ng marble waste sa nakapaligid na karagatan, Pagkawasak ng bundok, at Pagkasira nang magandang tanawin ng Isla ng Romblon.
Sinabi sa resolution na kanilang ‘strongly and immediately urging the Honorable Governor Eduardo C. Firmalo, MD, this Province, to prudently and judiciosly look into the marble mining operations of all mining operators using heavy eqiupment in the mountains of Barangays Agtongo and Cajimos facing Alad Island.’
Wala pang pahayag ang Gobernardor ng Romblon kaugnay sa nasbing reklamo.