Posibleng matanggal ang sa pagiging drug-cleared province ang lalawigan ng Romblon ayon sa Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan na si Ed Bryan Echavaria.
Sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon nitong Lunes, July 16, sinabi ni Echavaria na nagka-problema sila sa pag-validate sa dalawang tao na napabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga narco-politician.
Hindi umano nakikipagtulungan ang dalawang ito sa Philippine Drug Enforcement Agency para malinis ang kanilang pangalan.
Ayon kay Echavaria, kung hindi mapatunayan nung dalawang taon nasa narco-list ni Pangulong Duterte na sila ay hindi sangkot sa iligal na droga, posibleng kunin sa lalawigan ang titulong drug-cleared province.
Matatandaang Oktubre nitong nakaraang taon ng idiklara ng Philippine Drug Enforcement Agency na ika-dalawang probinsya sa bansa na idineklarang drug-cleared province.
Sinabi pa ni Provincial Officer Echavaria na nagpadala na sila ng sulat sa mga Barangay officials ng bawa’t bayan na nagsasabing dapat na nilang i-develop ang kanilang ABC Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).