Dalawang bagong apat na palapag na gusali na may aabot sa 32 classrooms ang pinasinayaan nitong Lunes, July 02, sa Romblon National High School sa bayan ng Romblon, Romblon.
Pinangunahan ang inagurasyon nina Vice Governor Otik Riano, Romblon Mayor Mariano Mateo, DepEd Romblon Schools Division Superintendent Roger Capa, RNHS Principal Rosemarie Madrid Mangaring at si dating Congressman Budoy Madrona.
Sinabi ni Capa ang isa sa mga 4-storey building na ipinagawa at pinunduhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay may aabot sa 20 classrooms.
Aabot umano sa halos P44-million pesos mula sa pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at Department of Education ang nagastos sa pagpapagawa ng mga bagong gusali.
Malaking tulong umano ito sa mga estudyante ng Romblon National High School dahil ang dalawang bagong school buildings ay may kapasidad ng hanggang sa 3,000 na estudyante.