Kasalukuyang ginaganap ngayon ang ika-4 na Maritime Security Activity sa pagitan ng Philippine Navy -Naval Forces West (Navforwest) at ng Royal Australian Navy (RAN).
Ang Navforwest ang puwersang pang-dagat ng Armed Forces of the Philippiines – Western Command (Wescom).
Magtatagal ang MSA hanggang ika-25 ng Hulyo sa Palawan.
Nilalayon ng sabayang pagsasanay ng Navforwest at RAN na palakasin ang kanilang inter-operability at koordinasyon kontra terrorismo at kidnapping.
Partikular na tutukan ng pagsasanay ay ang Naval Communication System, Planning, Individual shipboarding training, maritime surveillance at search and rescue.
Darating ang mga sasakyang pandagat ng Australia—ang HMAS Larrakin at HMAS Wollongong— mamayang ika-9 ng umaga sa Puerto Princesa City Pier.
Magkakaroon ng ship tour sa mga sasakyan pandagat pagkaraan ng isang simpleng sermonya sa pantalan.
Ang mga lalahok na sasakyang pandagat ng Navforwest ay ang BRP Simeon Castro (PC 374), ang BRP Carlos Albert (PC 375)at ang BRP Fort San Felipe (AGS 700).
Gaganapin ang opening ceremony sa Naval Station Apolinario Jalandoni covered court kung saan si Navforwest Deputy Commander Carlos V. Sabarre ang panauhing pandangal. (LP/PIA-Mimaropa)