Isa na ang naitalang namatay dahil sa sakit na dengue sa lalawigan ng Romblon ngayong 2018.
Kinilala ang nasawi na si Ken Justin Rafol, 6 na taong gulang at residente ng Barangay Matutuna, San Andres, Romblon.
Ayon sa ina ni Ken Justin na si Rea Rafol, dinala nila ang bata nitong Huwebes ng hapon sa San Andres District Hospital ngunit inilipat sila sa Romblon Provincial Hospital dahil malala na umano ang lagay ng bata.
Biyernes ng madaling araw n bawian ng buhay si Ken Justin.
Kwento ni Rea, matamlay na umano ang anak niya at mababa na rin umano ang kanyang platelets sa dugo.
Batay sa taya ng San Andres Rural Health Unit, aabot na sa 10 kaso ng dengue ang naitala nila nitong nakaraang dalawang linggo. June 28 umano ng magsimula ang on-set ng kaso ng dengue sa kanilang bayan.
Patuloy naman ang ginagawang kampanya ng San Andres Rural Health Unit para maipabatid sa kanilang mga nasasakupan ang mga dapat gawin para makaiwas sa dengue.
Madalas talaga umanong dumarami ang nagkakasakit ng chikungunya at dengue sa tuwing tag-ulan lalo na nitong mga nakaraang araw na patuloy ang nararanasang pag-uulan sa probinsya.
Mga naiipong tubig sa kanal umano ang kalimitang binabahayan ng mga lamok na may dengue.