Hinihikayat ng pamunuan ng Provincial Environment and Natural Resources Office ng Department of Environment and Natural Resources ang mga Romblomanon na wala pang mga titulo ng lupa na magpatitulo na ngayon.
Sinabi ni PENRO Maximo Landrito ng makapanayam ng mga lokal na mamahayag ng Romblon sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon nitong Lunes na sana magpatitulo na ang mga wala pang land title.
Aniya, sa halagang P60 lang ay pwede na silang kumuha ng application form at mag apply ng land title.
Magdala lamang umano ng latest tax declaration ng lupa; deed of conveyance katulad ng waiver of rights, deed of sale, at deed of donation; certification mula sa MPDC para sa mga residential, 3 pcs documentary stamp kung residential at 4 pcs naman kung agricultural, at RTC Certification.
Sinabi ni Landrito na baka magkaproblema ang inyong mga lupa kung sakaling hindi ito nagawan agad ng land title. Hinalimbawa nito kung sakaling may mga squatters na pumasok sa mga lupang wala pang title, mahihirapan umano paalisin ang mga ito dahil walang patunay na kayo ang may-ari ng lupa.
Posible ring kailanganin ang mga papeles tulad ng marriage and/or death certificates, original title, power of attorney, proof of publication, approved plan and technical description of the land, proof of occupation at judicial forms.
Para naman umano sa mga lupang wala pa talagang land title simula noong una, pwede umanong lumapit sa opisina ng Provincial Environment and Natural Resources Office sa Odiongan, Romblon para umano mabigyan sila ng libreng surveyor.