Matapos ang ginanap na sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, July 23, sa House of Representatives, napagkasunduan ng mga kongresista na patalsikin at palitan bilang house speaker si Davao del Norte 1st District Congressman Pantaleon Alvarez.
Pinaburan ng mga kongresista na umupo bilang bagong house speaker si Pampanga congresswoman at dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa dokomentong nakuha ng Romblon News Network mula sa House of Representatives, sinabi na 184/292 na kongresista ang pumabor kay Arroyo kabilang na si Romblon Congressman Emmanuel Madrona.
Labing dalawa naman ang nag abstained.
Bago pa man ang SONA, makikita na ang ilang congressman na nagpapakalat ng manifesto na nagsasabing palitan na si Alvarez ni Arroyo.
Sinabi naman ng bagong upong house speaker na ang target niya sa kamara ang magawa ang mga batas na priority ni Pangulong Rodrigo Duterte kagaya nalang ng Bangsamoro Organic Law (BOL).