Isang lalaking nangingisda sa Magdiwang, Sibuyan Island ang natagpuang patay ng kapwa niya mangingisda nitong umaga ng Lunes, July 24.
Walang ng buhay at nakalublob sa tubig ang ulo ni Danilo Mendoza Magro, habang may hawak na isda sa kamay ng matagpuan ni Benedicto Cay Jr., miyembro ng Task Force Bantay Dagat ng Magdiwang, Romblon.
Agad na nagsumbong si Cay sa mga tauhan ng Magdiwang Municipal Police Station para mapuntahan at makuha ang katawan ni Magro.
Kwento ni pamilya ni Magro, alas-6 ng umaga ng tumungo si Magro sa dagat para mangisda sakay ng kanyang banca hanggang matagpuang patay bandang alas-9 ng umaga.
Hinala ng pamilya nito, posibleng inatake sa puso ang 67-anyos na si Magro dahil sa dati nitong record. Magaling kasi umano ito lumangoy kahit matanda at hindi naman umano masama ang panahon ng siya ay pumangisda.
Dinala na sa Retiro Funeral Services ang katawan ni Magro at humiling na rin ng postmortem exam sa mga Doctor sa lugar para matukoy ang totoong dahilan ng pagkamatay nito.