Sinimulan ng ipatupad ng mga kapulisan sa bayan ng San Andres ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga tambay sa lansangan.
Nagsimula ng mag-ikot ang mga kapulisan sa San Andres sa pamumuno ni Police Senior Inspector Edwin Bautista nitong Miyerkules para tingnan kung may mga lumalabag sa mga ordinansa at mga batas na ipinatutupad sa bayan.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang may tambay sa lansangan.
“Iyung utos ko sa pulis na ‘yung mga tambay, sundin lang niyo ang utos ko. Wala namang inaaresto. I just don’t want you using the streets to loiter,” Duterte said in a speech in Cabatuan, Iloilo.
Paliwanag naman ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na tanging mga tambay lamang na lumabag sa batas ang huhulihin ng mga otoridad.