Ikinagulat ng mga taga-Romblon ang biglaang pag panaw ni dating Paranaque congressman at national security adviser na si Rogelio “Roilo” Golez.
Kinumpirma nitong Lunes, June 11, ng kanyang anak na si Parañaque City Vice Mayor Jose Enrico ang pagkamatay ng kanyang ama nitong Lunes ng umaga matapos atakihin sa puso.
Nagpaabot naman ng pakikirama ay mga taga-Romblon sa pagkamatay ni Golez na ipinanganak noong January 9, 1947 sa bayan ng Looc, Romblon.
Sa Facebook post ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, ibininahagi niya ang litrato nila ni Golez ng sila ay dumalo sa isang kasal sa Looc noong April.
“We mourn the passing of a beloved son of Romblon, former Congressman and National Security Advisor Roilo Golez. When we saw each other then, he was his usual kind and down-to-earth self. He loved our country very much, and was vocal about national security affairs and protecting our interests in the West Philippine Sea,” bahagi ng post ng alkalde.
“He also loved Romblon, and even posted about Cantingas River in Sibuyan an hour before he had a heart attack. You will be missed, Sir. Our heartfelt condolences to his family,” dagdag pa ng alkalde.
Ilang mga netizens rin ang nagbahagi ng kanilang pakikiramay sa pamilya ni Golez.