Pito katao ang inaresto ng mga tauhan ng Calatrava Municipal Police Station nitong Huwebes matapos maaktuhang nag-iinuman sa seawall ng Poblacion, Calatrava, Romblon.
Kinumpirma ito sa Romblon News Network ng bagong talagang hepe ng Calatrava MPS na si Police Senior Inspector Murphy Utara Jr.
Ayon kay PSI Utara, lumabag ang pito sa ordinansa ng bayan na naglilimita na mag-inuman sa mga pampublikong lugar, ito ang Ordinance No. 05 S. 2017.
Samantala, isa naman ang inaresto sa parehong bayan nitong Huwebes matapos na maaktuhang nagsisigarilyo sa pampublikong lugar.
Sa bayan ng Looc, dalawang violators ang hinuli ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station nitong Biyernes ng hapon matapos maaktuhan ring nag-iinuman sa pampubilkong lugar sa Barangay Poblacion.
Sinabi ni Rombon Police Provincial Office PIO Police Senior Inspector Ledilyn Y. Ambonan sa Romblon News Network na matagal na umano nilang pinatutupad ang iba’t ibang ordinansa ng mga bayan sa Romblon ngunit mas hinigpitan lang umano nila ngayong may direktiba mula sa Regional Police Office.