Ipinag-utos ni Regional Director, Police Chief Supt Emmanuel Luis Licup ang isang suprise drug test para sa 349 police personnel ng Police Regional Office MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony nitong Lunes, June 04.
Ayon kay PCSupt. Licup, ito di umano ay order ni Police Director General Oscar Albayalde matapos na mahuli ang isang miyembro ng elite Special Action Force sa Taguig City na nasa pot-session.
Sa resulta ng drug test ng 349 police personnel ng PRO-MIMAROPA, lahat sila ay nag negative ayon sa news release ng Police Information Office MIMAROPA.
Ang 349 police personnel ay galing sa mga opisina ng Regional Headquarters, Regional Mobile Force Battalion Headquarters, Oriental Mindoro Police Povincial Office Headquarters at Regional Support Units.
Patuloy naman umano ang pagsasagawa ng drug test ng Crime Laboratory Office MIMAROPA sa aabot pa sa 4,786 PNP personnel na naka-assigned sa lower units sa mga probinsya sa MIMAROPA.
Siniguro naman ni Police Chief Supt Emmanuel Luis Licup na tatanggalin niya sa pwesto ang sinumang police officer na magpopositibo isasagawang drug test sa kanila. Ito ay bahagi parin umano ng PNP’s Internal Cleansing.
Pinalalahanan naman ni Licup ang lahat ng unit commander ng Police Regional Office MIMAROPA na bantayan ang kanilang mga tauhan lalo na ang mga pulis na may report na nasangkot na sa iligal na droga o illegal gambling.