Asahan ang patuloy na magiging maulan ang mararanasang panahon sa lalawigan ng Romblon ngayong Linggo, June 10, dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat na mas pinalakas pa ng Severe Tropical Storm #DomengPH.
Maliban sa ulan ay makakaranas rin ang Romblon ng rough hanggang very rough na alon sa mga dagat dahil sa nakataas na gale warning sa western at southern seaboard ng Southern Luzon kasama ang Romblon.
Pinagbabawalan munang maglayag ang mga bangkang pangisda ganun na rin ang maliliit na bangka dahil sa panganib na maaring idulot ng malakas na alon.
Sa huling taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan nila ang sentro ng bagyong #DomengPH nitong alas-10 ng gabi ng June 09, sa layong 675 km East Northeast ng Bassco, Batanes.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility mamayang umaga.