Na stranded ang ilang mga motorista na papasok ng sentro ng Odiongan sa Romblon dahil sa bahang idinulot ng walang tigil na ulan nitong magdamag.
Umabot hanggang tuhod ang baha sa kalsada na bahagi ng Barangay Bangon kaya pansamantalang na stranded ang mga maliliit na sasakyan. Nakatawid rin sila makalipas ang halos isang oras na paghahantay sa paghupa ng baha.
Pinasok rin ng baha ang ilang bahay sa Barangay Bangon at Anaho sa nasabing bayan.
Samantala, nagkansela ng klase ngayong araw ang Collegio de Tablas matapos pasukin ng baha ang kanilang silid-aralan. Imbes na mag klase, ilang mga guro ang naglinis nalang ng loob ng kanilang classrooms.
Ilang palayan rin ang nalubog sa tubig baha sa dalawang nabanggit na barangay. Pinangangambahan ng mga may-ari ng palayan na maaring masira ang kanilang mga binhi ng palay na kakatanim lang nitong nakaraang linggo.