Nangako umano ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – MIMAROPA na maglalagay sila sa bayan ng Odiongan ng mobile office kada buwan para bigyang pansin ang dumaraming van at puv na bumabiyahe sa Tablas na walang lisensya.
Ito umano ang sinabi ni LTFRB Mimaropa Regional Director Gualberto N. Gualberto kay Mayor Trina Firmalo-Fabic nang bumisita si Gualberto sa Odiongan nitong nakaraang linggo para makipagpulong sa mga PUV operators sa Tablas kasama ang Department of Tourism, at dumalo sa Regional Development Council Meeting.
Sinabi rin ni Director Gualberto sa mga operators ng vans at PUV na gumawa sila ng isang grupo para mas mapabilis ang aplikasyon ng kanilang mga permits at lisensya sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para makapag biyahe sila ng ligal sa isla ng Tablas.
Samantala, patuloy ang ginagawang kompanya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bawasan ang mga colorum na bumabiyahe sa mga kalsada sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) kasunod ng nangyaring aksidente sa Occidental Mindoro nitong Marso.