Magpapakalat ng mahigit kumulang 2,000 pulis ang Police Regional Office – MIMAROPA ngayong Lunes para bantayan ang pagbabalik sa mga paaralan ng mga estudyante.
Nagutos na umano si Regional Director PCSUpt. Emmnuel Luis Licup sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng security coverages, maghatid ng public safety services, at palakasin ang Managing Police Operations Strategy para mapanatiling ligtas ang pagbubukas ng klase bukas sa rehiyon ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).
Maglalagay rin ng 244 na police sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon para tumanggad ng mga reklamo galing sa mga estudyante patungkol sa bullying at iba pang concern.
Nagpaalala rin si DIrector Licup sa mga estudyante na laging maging handa laban sa mga kriminal.